Have an account?

Tuesday, September 8, 2009

si kimmy at si dora

Last weekend, I was so much thankful that PGMA made Monday a holiday (for INC's Manalo's funeral). That way I'll be able to go to Araneta and line-up for the UAAP Cheerdance tickets. Even asked my dad to wake me up at 530am so that I'll make it to Araneta before 7. And after more than 3 hours of standing, standing, and standing still... naubusan ako ng ticket. Thanks to the hundreds or make that thousands of UAAP students lining up and getting my slot!!! Aargghh.

So instead of ranting the whole day, just decided to watch Kimmydora and laugh out my disgust. At syempre Gateway naman yun so medyo konti lang siguro ang manonood ng "jologs" na movie na to. But then again I'm a big fan of Eugene Domingo so ok lang manood ng "jologs" na movie na to. LOL. Tama ako, konti lang yung nanood. Less than half of the theater seats was occupied. Actually, I was occupying two seats since nalilift naman yugn armrest. Lazy boy na to! haha. So konti nga lang nga yung nanood. Well baka masyado pang maaga kasi first screening palang...or konti lang talaga kaming mga "jologs" na nasa Cubao that time. Nevertheless, yung hagalpakan naman ng mga tao can compensate the few theater-goers. In short, bentang benta yung mga lines nila.

At hindi lang sya basta comedy ah! May aral ka ding matututunan dito. Like:
  • kung ikaw ay may kakambal, at nagkataon na identical kayo, wag na wag mo syang tatawaging pangit. kasi sasaktan mo lang yung sarili mo. malamang kaya kayo identical kasi magkamukha kayo! kung pangit sya, eh di pangit ka din!
  • may mga linyang pang-Hollywood na hindi akma sa pinilakang tabing. lalo na kung hindi mo naman ka-waistline si Julia Roberts (and I quote "I'm just a girl FLOATING infront of a boy, asking him to love her *sabay labas ng dila*")
  • madalas daw na yung mga assistant ng mga bida sa movie eh mga pangit kaya sinasaktan at inuumbag-umbag lang sila ng bida. pero kung pangit ang bida, natural hindi nya masasaktan yung kapwa nya pangit na assistant. kaya pwede syang kumuha ng assistant na kamukha ni Miriam Quiambao at i-uppercut magdamag! infairness, ang galing ni Miriam dito ah! Best actress in a punching bag role!
  • at kung ang producer mo eh nagngangalang Piolo Pascual, aba eh makukuha mong waiter na extra yung mga kamukha lang naman ni Christian Bautista, Erik Santos, Vhong Navarro, etc. Bakit kaya wala si Sam dito?
  • bilog ang mundo! maaari ding sumikat ang mga askal gaya ni Mikky.
  • ok lang sa pinoy movies ang salitang pekpek lalong lalo na sa harap ni Regine to the tune of "peter piper picked a peck of pickled pekpek" *wait hanggang sa credits!!!*
  • at during presentations, when client asks you something at hindi mo alam ang sagot, you can always answer "I'll take a look at this. I will update you!" sa tonong nananakot. Tiyak extended ang final report due date! applicable to sa MR!

Overall, this is a winner! Eugene Domingo for Best Actress! woohoo!

0 comments: