Naramdaman nyo ba yung lindol? Putek ang lakas. Akala ko may sumandal lang sa upuan ko kaya naglean ako pakaliwa. Pagtingin ko wala naman. Sabay nahilo na ako. After ilang seconds ayun na naman. Kinabahan na ako kasi feeling ko lindol na nga. So pasok agad ako sa conference room kung saan kumakain yung iba. Pagpasok ko eh bato ng "Is it just me or umuga ang building?" Eh kaso mga manhid pala yung napagtanungan ko so wala rin. Ayun nagtext na kapatid ko na lumindol nga daw! Buti na lang asa 3rd floor lang kami.
Pagtapos eh punta na akong Megamall to pay my BDO card. So sulat na ako ng payment slip habang nilapag ko yung cellphone at wallet ko sa may table. Then punta na sa counter para magbayad. Nung palabas na ako eh parang may kulang sa dala ko. Yung isang phone ko asa left pocket, yung wallet ko naman hawak ko. Tangina, asan yung isang phone ko! Tanong agad ako sa guard kung may nakita silang phone sa table. Tinanong kung anong phone. Sabi ko lang eh basta naka leather case sya at N73 biglang talikod ko at punta naman sa counter. Wala naman daw naiwan dun. Pinagpawisan na ako ng malamig. Nagbabalak pa lang ulit akong magpalit ng phone tapos mawawala pa to. Masisira ang budget! Waaah. Pagbalik ko sa may entrance eh may inabot yung guard. Naiwan ko nga yung cellphone ko dun sa pinagsulatan ko. Nakakahiya lang kasi pagkaabot ng guard nung phone ko eh sinabi pang... "Sir sa susunod ingatan nyo na lang gamit nyo." Wala na akong nagawa kungdi magsorry! Hahaha. Sensya na bangag pa sa kaka overnight. Mamaya overnight ulit kami dito sa office. Haay.