Have an account?

Saturday, January 5, 2008

ryan & cathy's wedding

After 7 years, finally, Ryan and Cathy made their vows in the St. Gabriel Church in Dagupan, Pangasinan. Syempre papahuli ba naman ang Stat?! Kaya nung January 2, welga muna ang Stat para lang maka-attend ng wedding. Ang masasabi ko lang... ANG LAYO!



On our way to Pangasinan. Syempre late ako. Sensya na naging baby-sitter for my two pamangkins. Up north, talagang tinanong ko kung dadaan kami ng Luisita! Haha. Kape muna sa Starbucks then lunch sa Max's. Then travel ulit. Pakiramdam ko asa Amazing Race ako. Pano ako ang ginawang guide since late daw ako at ako yung katabi ng driver. Damn! So during the whole trip eh hawak ko ang mapa at ang cel para tawagan si Ryan kung kaliwa ba o kanan! Hirap pa makatulog pano pag naliligaw or kelangan ng toll fee eh gigisingin ako. Waaah!








At syempre sa church, photo ops pa rin. Late si Ryan!!! Nauna pa si Cathy sa simbahan hehe. Tinext ko nga baka umatras na eh. Kasalanan ko ata kasi tawag ako ng tawag for the directions kaya sya nadelay haha. Masasabi ko lang, ang ganda ni Cathy. Tama ngang the bride is the most radiant during her wedding. Katuwa yung photographer. Talagang gusto kaming kunan ng pics. At ang wacky nya, sus talbog sa wacky poses namin dito. Haha.







Konti lang pics sa reception. Hindi na ako makapagconcentrate pano nagloloko na tyan ko haha. Pero sarap nung cupcake na may merengue sa ibabaw. Nagtake-out din ako ng cake. haha. Kapal eh no. Yung reception pala ginawa sa Dagupan Village Hotel. At sino si John Patrick Fernandez?! Lokong host to minamali pa yung name ni Ryan haha.







Syempre nung pauwi, aba sayang ang photo op. Kahit na mukhang dugyot na eh picture pa rin sa labas ng CR ng Caltex habang inaantay matapos si Mitch.



0 comments: