Because of the hangover na nakuha ko from the open bar last night (refer to previous post), late na ako nagising. So yung planong jogging at calisthenics eh hanggang plano lang pala. Nakaikot na sila sa paligid ng Punta Fuego, ako naman umiikot pa rin sa kama habang natutulog. Badtrip lang kasi hindi naman everyday asa Punta Fuego kami hindi ko pa sya naikot. Kaya pag-gising eh diretsong shower na then breakfast ulit. 9am yung next session.
The presentation of the new RI products went well...for them. For us, kelangang pag-aralan lahat kasi syempre kami gagawa nung mga analyses. Ok na rin yun. Added learning kumbaga. Syempre may game ulit. Niloloko ko nga sila kasi wala pa akong napapanalunang group activity. So kelangang manalo kami. We started out fast pero nakahabol yung kabilang group. Betchay kasi...syempre mauuna ang white sa maroon pag alphabetical na descending! hehe. Ayun, second na naman kami. In short, alang prize.
After the three new products were presented, lunch na kami. May mga umuwi na rin at hindi na naglunch. Siguro may mga date. Pero kami...hala LAMON! Kaya pagkasakay ko ng Hi-Ace eh masuka-suka ako sa kabusugan. TRAFFIC!!! Traffic sobra sa SLEX. Weird lang kasi akala namin naghigpit sila because of the Glorietta bombing pero sa SLEX lang masikip. Pagdating sa Magallanes eh maluwag na naman. Ayun, we dropped off sa Ortigas office then I just hailed a cab on my way home.
Overall, the AOP experience was worth it. Kahit na nakakapagod eh enjoy naman. Nakabonding namin lahat, pati na mga direktor. So many learnings and key points na pwedeng gamitin sa work to improve our outputs. Swabe din ang open bar. Sayang lang coz hindi man lang ako nakapagbabad sa tubig. I dont know kung may nagswim pero sayang talaga. Sobrang tight ang schedule. Pero next time babawi ako. Pag afford ko na ang Punta Fuego!!!
0 comments:
Post a Comment