Linggo na naman syempre dapat gumising ng maaga para sa mass ng 9am. Masesermunan na talaga kami ni Father kasi sermon na lang yung parati naming naaabutan. Pano ang babagal kumilos. Syempre after ng Homily eh offertory na. Ewan ko ba pero nakasanayan na namin na every offertory eh dun kami nakakapag-usap ng mga bagay-bagay at kuro-kuro. Ang topic namin ng ate ko kanina eh...buhok ng Daddy namin.
Syempre late na kami kaya dun na lang kami sa likod. Tapos pinaupo na lang namin si Dad sa vacant seat sa harap namin. So syempre offertory nga di nakaupo ang mga tao. Sa pwesto namin eh kitang-kita naman ang bumbunan ng Dad ko. So napagdiskitahan ng ate ko yung buhok nya. Sabi nya na ampangit daw ng gupit ni Daddy. Eversince kasi, si Nanay na yung gumugupit ng buhok nya. Kahit nung mga bata pa kami si Nanay na talaga. Frustrated beautician kasi yun hehe. Ayun nung namatay si Nanay eh kung kani-kaninong barbero na lang sya nagpapagupit. Eh kakaiba yung gupit nya ngayon. Medyo mahaba sa likod so hindi magandang tignan. Sabi ko nga ako na lang mag-gugupit. Irerazor ko.
Ayun! Ang topic eh nabaling sa buhok ko. Tinanong ni ate bakit hindi na ako nagpakalbo kasi nga mahaba-haba na buhok ko. Sabi ko ayoko na. Kasi nung pinashave ko yung buhok ko eh 3 days akong nagka-trangkaso. Syempre 3 days akong sick leave. Naalala ko nga na nung buhay pa si Nanay eh ayaw nya talagang magpakalbo ako. Kulang na lang eh magmakaawa ako para lang payagan nya pero wala pa rin eh. So sabi ko since 2 years na namang wala si Nanay eh try ko na baka ok na naman sa kanya.
So nung birthday ko this year eh nagpasemikal na ako. Pero syempre may buhok buhok pa rin so hindi counted yun na kalbo. So after a month eh naglakas-loob na akong magpashave. As in KALBO na talaga. Ewan ko ba pero pagkatapos kong mashave ng bumbunan at pagkadating ko sa bahay at kakahiga ko pa lang sa kama eh may tumatawag na sa cellphone ko. Sa office, pinapabalik ako. Uulitin daw yung mga requests na ginawa namin over the weekend. Syempre walang choice kasi RUSH sya. So bumalik nga ako at past 1am na ako nakauwi nun! Ang lamig sa bumbunan pano ang lakas pa ng ulan nun. Kaya siguro ako nilagnat then trangkaso na.
Naisip ko na nagalit siguro si Nanay kasi nga nagpakalbo ako. Kaya ayun kahit nasa heaven na sya eh pinarusahan pa rin ako. Nanay talaga. Kaya ayoko na magpakalbo. Baka kung ano pang parusa ang isunod ni Nanay hehe. Labyu Nanay! Hindi naman counted pag semikal diba!!! =)

0 comments:
Post a Comment