Nung nagyaya ako nung Wednesday morning akala ko walang pwede. Kaya diretso na akong Makati after office para maghanap ng lintek na sapatos na yan na wala nang kasya saking size! Bakit ba kasi kung kelan nagsesale eh dun nauubos ang size ko! Badtrip!
So yun nga. We watched 27 dresses at Shangri-La Cinema. LFS to since 9pm ang out ni Carsha from her MBA class sa LSGH. The movie was okay. If you've seen Got 2 Believe ni Claudine and Rico Yan, you'll say na 27 Dresses is a rip-off of that movie. Pero sobrang dami nga ng similarities. Pero nadala naman nila Katherine Heigl and James Marsden. The girl who played Katherine's sister is also the one in the movie Heartbreak Kid with Ben Stiller na pinanood din namin 2 weeks ago. Tumatak talaga sakin yung role nya dun na exhibitionist kaya pati dito sa movie na to eh inaantay ko yung ganung scenes hehe.
And si John Lloyd Cruz ay nakaupo lang sa likod namin with his non-showbiz GF. Ganito kasi. Nauna si Sab sa Shang since she's within the area and sya na bumili ng tickets. Then nasa likod nya sa pila si JLC. Knowing Sab na fanatic ni JLC, hindi na mapakali. Text agad. Then nauna daw pumasok sila JLC sa cinema. Kasi kami antay pa namin si Carsha na late! hehe. So ayun hindi nakapagpapicture ang president ng Jologs League na si Sab. Pero nung papasok na kami nakita nung guard yung ticket namin. K10-K12. Biglang hirit nya na si JLC daw eh L10-L11. Akalain mo yun! At syempre kinuha agad ni Sab yung K10. At ang nakakatawa pa eh behave sya pagkaupo. Ni ayaw kumain ng popcorn pano asa likod nya nga si JLC. Benta talaga. Hindi na nila tinapos yung movie. Para siguro hindi sila pagkaguluhan. Kaya si Sab, malungkot! Hahaha.
Before we entered the cinema pala andun din si Ethel Booba with Alex. Yep, sila ulit! Nyahaha. Andun din si Jen or 26K and PBB with Donnie Geisler. Mga so so lang naman sila so hindi na namin masyadong pinansin. Pero gusto ko magpapic kay Ethel! Hahaha. Sayang!
0 comments:
Post a Comment