It all started when Chummy emailed the pic of the latest UP Siglo jacket design. Dati ko pang gustong bumili pero Thursdays 4pm-6pm lang daw sila nagbebenta. USC kasi ang in-charge dito. Before, so-so lang kasi yung designs so ok lang kahit hindi pa ako makabili. Not until I saw the latest design and heard that the Eheads wore this during their concert prep.
Since the cats are away, nag-undertime na ako para lang umabot sa call time. From San Miguel Avenue, I hailed a cab papuntang Diliman. It's a good thing hindi masyadong traffic sa White Plains. Medyo natraffic lang ako sa Katips. Sabi ko na lang baka nagchampion na Arrrheneo! hehe. So ayun, after more than 30minutes and P160 sa fare, I was infront of the USC office sa Vinzon's Hall.... And then AAARGGGHHH!!! Sa CHK daw magbebenta today. Eh napaalis ko na yung taxi. And hindi ako sigurado kung yung Ikot jeep eh dumadaan pang CHK. At umuulan na!!! Takte talaga! For the love of UP!
Pagdating ko sa gym eh medyo mahaba na pila. Sila may payong...ako may hoodie! Ayun so nakipila na ako. Then nakiusap na lang ako dun sa matandang may kasamang taga UPIS na pipila ako sa likod nila pero sisilong lang ako since wala nga akong payong at ang hoodie ko eh hindi water resistant. Ayun buti na lang mabait at pumayag. 5 minutes... 10 minutes... 15 minutes... anakngtokwa! Bakit ang bagal. Bago pala bumili eh sukat sukat muna. Putek!
Eh walang pila sa lanyard so sabi ko bibili na ako. Buti na lang. Syempre ingles-inglesan ako kunwari. Sabi ko "Uhmm, where do I buy the lanyard?", "Do I need a UP ID to purchase the jaket?". Ayun nakabili na ako ng lanyard then tinry ko ulit charm ko. Haha. I asked kung same ba pila ng black and white jackets since 2 colors ang available. Ayun sabi nga yung mahabang pila eh for the black jacket na nagkataon na XS na lang ang size. So sabi ko white na lang ako. At ang swerte ko kasi walang pumupila sa white kaya ako na ang una. Ayun, I tried the white jacket na S. Medyo malaki so I tried the XS. Swak na swak! So medyo tyumempo ulit ako. I asked if there are sufficient stocks for the black jacket to cover the long line. Eh asa may likod pa yung pila ko. Sabi naman madami daw. So sabi ko pila na lang ulit ako sa black pero kung hindi ako aabot I'll be getting the white one. Pumayag naman so sabi ko pipila na ako ulit. Then sabi nya "Ayaw nyo po bang dito na bumili tutal andito na kayo sa harap?"
*TING*
At sino naman ako para tumanggi sa grasya! And so, after less than 30 minutes, and several English statements, I finally got my very own Siglo black and gold jacket! Samantalang si tatay na sinundan ko sa pila eh nasa likod pa. Nakaka-guilty pero ano ba naman yung isang jacket! Whehehe.
0 comments:
Post a Comment