Have an account?

Monday, December 31, 2007

my new year's resolution

Subukan ko lang ha. Eto yung mga naiisip kong gustong kong baguhin. At syempre kaya kong baguhin. Sana lang magawa ko. No pressure.
  • Magtipid. Eto seryoso ako. narealize ko na parang natapos ang 2007 eh wala akong savings. yeah i have my gadgets, my bags, my shoes, my everything. Pero wala akong savings. Haaay. Kaya ngayon before mag 2008 eh bumili ako ng wallet. Parang malas yung wallet na nabili ko sa Memo. Nauubos agad yung laman hehe. Kaya para fresh start eh bumili ako ng bagong wallet para makapagtipid na ako. And the wallet costs 4 digits. Pucha!
  • Magsimba. Ewan ko ba. Lately nabawasan na ata yung faith ko. Alam kong pangit pakinggan pero ganun talaga. Before naging active ako sa St. Jude every Thursday. Novena yun. Kaso lately sobrang stressed sa work so wala nang time makapuntang Mendiola since OT. Pag may time naman tinatamad na ako. I'd rather rest. Then pag Sundays bihira na ako makasabay magsimba. Ewan ko ba. Pero 2008 I will relive my faith. Magmamass na ako promise.
  • Family First. Hindi to yung insurance ha! hehe. Bali-baligtarin man natin ang mundo, family pa rin dapat ang number 1 priority. So more time for family!
  • Bawasan ang selos. In all aspects, relationships, family, work, etc. Walang maidudulot na maganda kasi. Haay sana ganun kadali.
  • Ayusin ang career path. Ito na ba talaga yung gusto ko? Baka naman it's time to shift? What if andun na yung feeling na natetake for granted na yung efforts mo? Bakit di ka pa rin promoted? Baka naman ito na yung limit na inaantay mo? Ewan ko! Bahala na kung ano maisip ko next year. But I need to reassess everything.
  • GYM! Ayan. Haha. Pag nagkatime talaga ako babalik na ako sa gym. Kelangan nang palakihin ang muscles para manotice. At para manghinayang ang mga dapat manghinayang. Pucha antay lang kayo!
  • Sports. Ngayon natigil na ang badminton. Tagal na ring nde nagbasketball. Kelangan ko nang humanap ng mapaglilibangan para naman maging active ulit. Extreme sports? Woah! Wag yun. Magtitipid nga ako diba. Siguro tennis. Sinong pwedeng kapaluan dito?!

Ayan pa lang yung naisip ko eh. Sana lang magawa ko. Sana lang hindi puro simula. At wag sana akong tamarin.

Saturday, December 29, 2007

camera trippin'

Napagtripan namin ni Ariane habang naghihintay ng elevator during our afternoon break. Tawa ako ng tawa dito haha.



Follow the light... Waiting for you. DRAMA!




Caught in the crossroads...7-22 (I need to pee!)





Leakin' at the lift!

BeRKS xmas dinner @ loca's cam

Heto na... heto na... heto na...

galing sa cam ni Loca...

Sino pa ba may cam nung dinner?!



Thursday, December 27, 2007

anakngtokwatbaboy

  • I got my phone na. Nakakainis. Kasi yung problem ng phone ko is when I delete the songs, naiiwan pa rin yung albums and artists sa list. So sabi nila ireflash daw. Ako naman uto uto pinareflash ko sa kanila. So ayun nga pumalpak software nila. Nung nakuha ko kanina eh andun pa rin yung problem so nireklamo ko ulit. Bopols talaga. Nireflash pa nila eh reformatting lang pala ng mass memory yung kelangan! Hindi na dapat apektado yung software ko. Pati tuloy ako naabala. Pero ok na. Malinis na music player ko. Masaya na ulit ako! hehe


  • Got this buzz from an insider na pwede ring outsider. Kaya pala wala pa kaming xmas bonus until now eh dahil sa mga delayed final reports! Hindi ko lang maintindihan bakit lahat damay! Hindi naman kami ang gumagawa ng reports! Ginawa naman namin lahat para lang makadeliver on time! Kasalanan ba namin kung sa isang department nadedelay? Bakit lahat damay? Pucha! Malapit na ako gumawa ng unyon dito! Magrarally ako sa labas ng OMM!!!


  • At syempre inindyan na naman kami ni Diane kanina. Badtrip! Nagundertime na nga ako para makabalik ng Shang to reach the 6pm dinner after getting my phone sa Cubao pero nasayang lahat! Sana lang nag-update hindi yung nagantay pang tawagan. Nakakbadtrip lang talaga. Strike 2 ka na buntis! Hmpt!

Wednesday, December 26, 2007

i hate my nokia n95 8gig

Naiinis na ako! I dunno if I was sold a defective unit or bopols pa ang software version ng phone ko! Kaya ngayon, after bringing it to Nokia Care AliMall, wala na naman akong phone. They said hindi kaya ng software version nila. Damnit!

Ganyan din nangyari when I brought it to Nokia Care GB1 a day after I bought the unit from Electroworld Megamall. I was accustomed to have the unit reflashed after purchasing any Nseries phone since the software version included in the package might not be updated. I brought it Saturday, then after an hour they called me to inform me that the unit will be forwarded to the Head Office in Rufino since ayaw daw tanggapin ng phone ko yung software. So basically, I got my phone back Monday evening already. Imagine the abala on my part! Pucha talaga.

And then lately I was kinda disturbed with the music player. I already erased all the songs and yet andun pa rin yung albums and artist sa list. When I delete them, I only get the response Feature not supported. Had the Nokia Care Glorietta3 diagnose the problem and was advised to have it reflashed again. But I'd rather not reprogammed it just before Xmas. Mahirap nang walang camera sa Pasko. So dinala ko sya sa Nokia AliMall kanina assuming na magiging ok. But no!!! Nagloloko daw software nila. Kaya ngayon, I was left with a Nokia 6610 service unit instead! Haaay

Ngayon, I want a new phone!!! Gusto ko magmura! Gusto ko magmura!!! GRRRR!!!!

Tuesday, December 25, 2007

a very merry xmas

So how's Christmas?



Ako? M-A-G-A-S-T-O-S!


I've used up (I think) the credit limit of my three cards! Imagine that! Sobrang gastos pala ng Pasko lately. Pero ayos lang. At least I've brought joy to others. Naks! Pero syempre mas masarap yung feeling na napasaya ko sarili ko! Ngayon ko lang narealize na part of my credit card charges eh for personal consumption din pala. Eto ang MGA regalo ko sa sarili ko this Christmas. Hirap ng single! Haha!





A new pair of sneakers, Nike arm wallet, the latest webcam and headset, the COMPLETE cd collection of Urbandub, AND my Nokia N95 8gig with 5 megapixel camera! ANGAS! haha


Pampam lang po haha.

Monday, December 24, 2007

kaloyster xmas message 2007

What do I really want for Christmas?



New phone? *just got one*

New laptop? *maybe next year*

Car? *dream on*

Love? *it'll come*

New job? *love my job*

Holiday trip? *pwede*




Ano nga?



Simple! I just want our lines to remain open. The gift of friendship is the best gift I can give and would want to receive this season.




Happy Holidays!

BeRKS xmas dinner 2007

It has been a tradition of the BeRKS to hold their annual Xmas party/dinner. Last year, I wasn't able to come since the dinner coincided with my sister's wedding. But this year, hey I'm free. So the venue, Oyster Boy Metrowalk. Daming food! After ng dinner etong si Carsha eh nagyayang uminom. Woah! Si Carsha?! Stress free na kasi after long-overdue resignation. Kaya inom lang ng inom. Yosi na rin. Nakakamiss yung ganitong bonding ng BeRKS. It's been 4 years already after we graduated and yet we're still intact. Syempre may mga nagmigrate at nag-aral na abroad pero buo pa rin ang BeRKS. Iba talaga kami. Kaya sikat eh! LOL








Akalain mo yun small world talaga! Asa Metrowalk din yung ibang blockmates ko and yung mga orgmates namin. Instant reunion.




Saturday, December 22, 2007

3 days to go

Thanks PSRC for the gifts. Alam nyo na kung sino sino kayo. At sa mga hindi pa nakakapagbigay, tigas nyo ah! May 3 araw pa kayo! Haha. Biro lang.


Merry Christmas to all!


haba berdies

Haba berdies to my BeRKS!


Gigie - December 22


Sally - December 23





Kitakits mamaya sa Berks Christmas party! Syempre Gg overseas ka na lang hehe.

Friday, December 14, 2007

patikim muna

Iba talaga nagagawa ng wifi. Astig. Patikim muna. Walang violent reactions or else block kayo. Haha

Thursday, December 13, 2007

prep na prep na

Pormal na pormal tayo mamayang gabi. Can't wait to be in a suit again. The last time was during the Junior-Senior Prom. Puro barong na kasi after. Excited ako sa metallic maroon long sleeves na binili ko with matching metallic red na tie. Haha. Hindi halatang excited. Bukas na lang yung mga pics. Malelate na ako sa appointment ko with Fix Galleria.

Tuesday, December 11, 2007

a busy december

Parang hindi December! Bakit hindi ko maramdaman ang Pasko! Tumatanda na ba talaga ako? 26 pa lang naman ako ah. Stressed out lang siguro...
  • Epicure pa rin. Natapos na yung workshop. Kahit papano eh ok na naman with client though wala na talaga yung account samin. Good riddance ba? Pwede na din. Nagpakain na sila last Friday. Umiyak si Liz! haha. Drama. Pero bakit may after shock pa rin ang Epicure sakin? Nagbabadya ata ng redo. I want Epicure out of my system before magPasko! Utang na loob. Haay

  • In a span of 2 weeks, 3 binyag ang na-attendan ko (pictures to follow). At dalawa dun eh ninong ako. Oo, pinagkatiwala nila ang future ng mga anak nila sakin. Akalain mo yun! Una kay Arisha, baby ni Luz na dating kalaban ko sa pagiging immature sa office. Ngayon solo flight na lang ako. And then kay Baby Jam na anak ng kapatid ko. Tapos kanina binyag din ni Baby John Lloyd (One More Chance ito) ni Ate Gina2. Sabi nila swerte daw pag dumadami ang inaanak. Sana nga. Kaso swerte din bulsa ko nito sa Pasko. Sana may bonus na! hehe

  • Ilang tulog na lang Aguinaldo Masses na. Sana makumpleto ko ulit. Pero syempre nanganganib yun dahil sa Epicure. Haha. Haay Epicure. You've been part of my life na ata. Para ka nang peklat! Kelan ka ba mawawala...
  • Gusto ko na mag-Christmas Shopping!!! Tapos na ako sa sarili ko eh. Nakapagpalit na ako ng phone (ahem, play angas spiel: ANG BAGO KONG N95 8gig with 5 megapixel cam!), na-upgrade na memory ng laptop ko, may maganda na akong laptop bag c/o Nike, ano pa bang kulang? Kotse na lang!!! *parinig sa tatay ko* Seryoso kelangan ko nang mamili for my inaanaks and mga kamaganaks. Sana naman may sweldo na. LOL

Wednesday, December 5, 2007

12 hours

Epicure still. Haay

First time ko na talagang walang tulog. Another overnight na wala sa plano. Pero kelangan. Walang choice eh. Feeling ko talaga hostage na kami ng project na to. Magkano ba to? Enough ba yung budget nila na pati social life namin eh kukunin? Haaay. Pero wala eh. Kliyente sila, empleyado kami. In short...HOSTAGED!

Yun nga. Overnight pa rin. Walang tulugan. Kahit 6am na sige excel pa rin para gumawa ng index scores. Ayoko na magreklamo. Ayoko na sisihin ang DP kaya nde ako nakatulog. Wala naman silang kasalanan. Pagod rin sila. Mas pagod pa ata. Kaya konting tiis. Weird lang. Hyper pa rin ako. Then the workshop. Hala, buti na lang hindi pa kami umuwi. Samantalang nag-uwian na yung iba. Kasi kami...on-call pa rin. Daig pa namin duktor. Hala gawa ng crosstabs habang sinesend sa text yung instructions. Hala tawag sa Malaysia para lang tanungin kung pano nila dinuktor yung results.

Yey uwi na! After 34 hours na gising...makakatulog na rin! Yey! 5pm na.

Putek hindi na ako nakapagdinner. Hindi na ako nakaligo. Hindi na ako nakapaghilamos at toothbrush. Pagdilat ng mata ko eh 5am na! Whew! 12 hours. Check ng bagong N95 8gb *angas*! 1 missed call from my director *kabado*. 9 unread messages. At isa dun galing kay Liz. Waaah! Maps daw for Epicure! Haaay

In short...giyera na naman. Buti na lang nakapagrecharge na. FIGHT!

Saturday, December 1, 2007

announcement

uhhhmmmm...