Subukan ko lang ha. Eto yung mga naiisip kong gustong kong baguhin. At syempre kaya kong baguhin. Sana lang magawa ko. No pressure.
- Magtipid. Eto seryoso ako. narealize ko na parang natapos ang 2007 eh wala akong savings. yeah i have my gadgets, my bags, my shoes, my everything. Pero wala akong savings. Haaay. Kaya ngayon before mag 2008 eh bumili ako ng wallet. Parang malas yung wallet na nabili ko sa Memo. Nauubos agad yung laman hehe. Kaya para fresh start eh bumili ako ng bagong wallet para makapagtipid na ako. And the wallet costs 4 digits. Pucha!
- Magsimba. Ewan ko ba. Lately nabawasan na ata yung faith ko. Alam kong pangit pakinggan pero ganun talaga. Before naging active ako sa St. Jude every Thursday. Novena yun. Kaso lately sobrang stressed sa work so wala nang time makapuntang Mendiola since OT. Pag may time naman tinatamad na ako. I'd rather rest. Then pag Sundays bihira na ako makasabay magsimba. Ewan ko ba. Pero 2008 I will relive my faith. Magmamass na ako promise.
- Family First. Hindi to yung insurance ha! hehe. Bali-baligtarin man natin ang mundo, family pa rin dapat ang number 1 priority. So more time for family!
- Bawasan ang selos. In all aspects, relationships, family, work, etc. Walang maidudulot na maganda kasi. Haay sana ganun kadali.
- Ayusin ang career path. Ito na ba talaga yung gusto ko? Baka naman it's time to shift? What if andun na yung feeling na natetake for granted na yung efforts mo? Bakit di ka pa rin promoted? Baka naman ito na yung limit na inaantay mo? Ewan ko! Bahala na kung ano maisip ko next year. But I need to reassess everything.
- GYM! Ayan. Haha. Pag nagkatime talaga ako babalik na ako sa gym. Kelangan nang palakihin ang muscles para manotice. At para manghinayang ang mga dapat manghinayang. Pucha antay lang kayo!
- Sports. Ngayon natigil na ang badminton. Tagal na ring nde nagbasketball. Kelangan ko nang humanap ng mapaglilibangan para naman maging active ulit. Extreme sports? Woah! Wag yun. Magtitipid nga ako diba. Siguro tennis. Sinong pwedeng kapaluan dito?!
Ayan pa lang yung naisip ko eh. Sana lang magawa ko. Sana lang hindi puro simula. At wag sana akong tamarin.
0 comments:
Post a Comment