Have an account?

Thursday, August 7, 2008

sunog! sunog! sunog sa FX!

Last week hindi ako nakapagmass sa St. Jude. Thanks to Galaxy coz 1am na kami natapos gumawa ng weights. Valid naman yung rason diba? hehe

So Thursday na naman. Hindi na pwede magOT. Hindi pwedeng makamiss ulit. Nag-extend lang ako ng mga 1.5 hours then umalis na ako by 7pm. I'm trying to catch the 8pm mass. Dunno pero nagiging maantukin talaga ako pag nagtatravel. May it be bus, FX, or even cab. So, activated my *ahem* bluetooth headset and started listening to Amy Winehouse. Ayun, pampaantok ko. I may be unconscious, but subconsciously eh aware pa rin naman ako kahit konti sa nangyayari. Basta ramdam ko uminit. Gusto ko na ngang pagsabihan yung katabi ko na wag madamot sa aircon. Then when we reached Toyota Shaw, nagising me nung biglang gumilid yung FX ng biglaan. Pagdilat ko ng mata ko aba nagbababaan sila. Syempre ayoko mahuli sa uso kaya bumaba na rin ako without knowing what happened. Nung nakababa na ako sakto! Umusok ang FX. Overheat ata pero sobra yung amoy sunog eh. Tumakbo pa nga sila palayo kasi akala nila sasabog. Badtrip talaga. Kung kelan nagmamadali, kung kelan late na sa mass, kung kelan nasa kasarapan ng tulog while having Love Is A Losing Game playing at the background. Haay. Good thing hindi ako nalate sa mass. Naabutan ko pa yung novena ng 7pm mass. Ayun. Pakiramdam ko may halo na naman ako. Sarap!

0 comments: