Have an account?

Monday, December 1, 2008

BA2555 091

Nike gym premium small duffle...

Nyahaha. Yung title ng post ko eh yung SKU code ng bag na hinahanap ko. Pero black and gray ang color. Kaso nalibot at natawagan ko na lahat ng Nike Park, Stadium, and Forums dito sa Metro Manila kaso wala na daw sila. Badtrip talaga! So ano pa nga ba! Syempre hindi pwedeng wala. Kaya I settled with...




Syempre may story yan. Ilang araw na nga akong naglibot kung saang-saang Nike outlet makabili lang nung hinahanap kong bag. So nung saturday eh nakarating ako sa Eastwood baka kasi meron dun sa outlet store dun. Kaso wala din! So napagdecidan kong kumain na lang sa Fazoli's. Bringing back the memories ang drama ko. Namiss ko tong Fazoli's kasi dito kami minsang naglalunch nung college kahit na may klase kami ng 1pm! Haha. Walang pakialam sa klase kaya nakakapaglunch sa Libis. Buti na lang mayayaman ang mga kaibigan ko (thanks pala Cla and Locs sa rides dati whehehe) kaya accessible ang Libis from UP. So ano ba ang dinadayo namin dito. Syempre yung unlimited garlic bread nila! Yumyum!



Pero syempre di dyan natatapos ang kwento ko. So wala nga akong nabili sa Eastwood kaya diretso na akong Makati. I checked the bag (pic above) kung available pa kasi yun yung second choice ko. Actually 3rd choice pala. Yung 2nd choice kasi di ko na pinagisipan. Way above my budget pala yun haha. Pag dating ko sa Nike Stadium eh isa na lang daw yun. Eh hindi nga ako bumibili ng naka display na so hiningi ko number sa Rockwell para icheck kung may stock pa dun. Medyo sumimangot yung nag-assist sakin. Tapos biglang kinuha yung bag kasi nagiinventory pala sila. Ayun, wala na daw ganun sa Rockwell kaya check ulit ako nung SKU code nung orig bag na gusto ko baka kasi magmilagro. Kaso wala pa din. Eh may milagro nga! Pagbalik nung lalake sa bag from inventory eh may tag na! 20% discount! Hahaha. Kung siniswerte ka ba naman. Tinanong ko kung magkano na yung discounted price. Biglang sabi nung nasa cashier dun sa lalake "bakit kasi nilagay mo agad yung tag!". Haha. So in short, naka-isa ako! Hahaha! Kaya eto, bago na naman bag ko. Hopefully this will be the last...for 2008! Haha!

0 comments: