Have an account?

Thursday, December 25, 2008

misa de gallo - wrap-up

Day 6
I've decided na hindi na ako matutulog. Past 2am na ako nakauwi from the BeRKS' Xmas party. Pag natulog ako, baka magtuluy-tuloy na. So nagsurf na lang ako from 2am til 4am. Nakauwi na sila ate so may kasabay na ulit ako. Pero, uuwi na rin silang Bacolod kaya mag-isa na naman ako kinabukasan.

Day 7 & 8
Three masses in one day. Whew! Hindi kaya ako lumagpas nito sa langit? First, simbang gabi sa Sanctuario del Sto. Cristo. Ako na lang ulit mag-isa pero I'm still determined to finish the nine day novena. Then Thanksgiving Mass sa office. Dapat hindi na ako aattend kaso umabot eh. hehe. Sarap ng food. Syempre nakadami ako sa favorite kong puto-bumbong.

Then, nag-anticipated mass ako nung gabi for Day 8. Hindi na kasi nakukumpleto tulog ko. On the average eh 3 hours na lang. Hirap ng insomniac. haay

Day 9
Sa hinaba-haba man daw ng prusisyon, sa kama pa rin ang tuloy. After 8 days, ayun, hindi ako nagising para sa last day! Sweet! Sabi pa ng Dad ko "kanina pa nga tunog ng tunog cellphone mo". Ayun naman. Kaso hindi nya pa rin ako ginising. Sweet! So, better luck next year...

0 comments: